Thursday, October 13, 2011

Olive oil para sa gallstones

Naisip kong isulat ang experience kong ito sa wikang tagalog (Filipino), dahil kabaligtaran ng isa kong isinulat sa wikang ingles sa link na nakasulat sa baba, alam ko na mas maraming madaling mauunawaan ang instructions ko dito. Sa panahon po ngayon, mas nakakarating na ang signal ng internet at cellphone sa liblib kaysa sa medisina. Kaya para po sa kapakanan ng aking mga kababayan, lalo na ng mga nasa kanayunan na hindi madaling maabot ng medisina, hangad kong ipaabot ang isang kaalamang gaya nito. I guess, olive oil is the most important and most beneficial oil in my kitchen. At among those benefits, pinaka-mainam sa lahat ay nagamit ko ito para maalis ang aming gallstones o bato sa apdo. Opo, pag sinabi pong 'bato sa bato', yon po ay bato sa kidney. Ang mga bato pong yon ay nabubuo mula sa sobrang asin. Kapag sinabi naman pong 'bato sa apdo', yon na po ang gallstones na makukuha sa gallbladder (ipagpaunmanhin po ang hindi ko pagkaalam nito sa wikang tagalog), pero ito po ay isang organ na malapit sa ating atay. Ito din po ang dinadaanan ng ating apdo. Ang karanasan ko pong ito ay naibahagi ko na sa maraming tao. Lahat sila, mayaman at mahirap man ay nagnanais na gumaling sa natural na paraan. At dahil gusto kong pagpakita ng isang pruweba, ciempre naipon ko ang gallstones ko for a photo-opp. At ang mas totoo dito, marami na akong kaibigan na sumubok nito, at gaya ng epekto sa akin, ganun din ka-effective sa kanila.
Ilan lamang yan sa mga bato sa apdo na nakuha ko sa una kong pagdumi. Noong 2007, na-diagnose ako na merong 'bato sa apdo' o gallstones. Ang gallstones ay mga hindi naman totoong bato, pero dahil hindi naman talaga sila original na parte ng ating sistema,  in short, mga aliens lang sila, ay tinawag silang bato. dahil na rin siguro sa mukha silang mga bato. may katigasan pero hindi kasing tigas ng totoong bato, maitim ang pagka-berde (moss green) ang kulay na parang matitigas na apdo ng bangus   (kung alam mo ang itsura ng apdo ng bangus, maiimagine mo na ang itsura ng gallstones).  Hindi lahat ng merong bato sa apdo ay nakakaramdam ng mga simtomas (symptoms). Pero ang grabeng kaso nito ay mangangailangan na ng operasyon o surgical removal ng gallbladder kung saan nandon ang mga bato. Napanood ko sa TV na sa US, may bago na silang teknolohiya ng pag-aalis ng gallbladder. Sa babae, pwede ng kunin o alisin ang kanilang gallbladder mula sa kanilang ari. At ang sa lalaki naman ay kukunin mula sa kanilang bibig. Gagamitan lang ng mga instrumento at ang isa ay isang parang mahabang stick na merong pliers sa dulo (ipagpaumanhin, hindi ko alam ang tawag sa instrument, bagaman at malakas ang pandinig ko, talagang hindi ko po narinig, kung sinabi man).
Ito naman ang mga nakuha ko. sa ika-4 kong pagdumi. sa kabuoan, nakakuha ako ng mahigit sa 300 bato sa iba't-ibang sukat sa 8 beses kong pagdudumi. Sa mga makakaramdam, ito ang mga simtomas (symptoms) na kayo ay merong bato sa apdo:
  • bahagyang paglaki ng tiyan (abdominal bloating)
  • sobrang paglabas ng hangin (belching and gas)
  • hindi magandang pakiramdam pagkatapos kumain ng pagkaing mamantika
  • pabalik-balik na pananakit ng parteng taas ng tiyan (upper abdomen)
May tinatawag na gallstones attack at maaring magbigay ng mga simtomas pagkatapos kumain ng    pagkaing mamantika, gaya ng:
  • pananakit ng kanang bahagi ng tiyan sa may parteng baba ng tadyang (rib cage) o sa bandang itaas na bahagi ng tiyan (upper abdomen). Ang pananakit ay tumatagal ng 30 minuto hanggang ilang oras.
  • pananakit sa likod sa pagitan ng mga balikat (shoulder blades) at sa ilalim ng kanang bahagi ng balikat
  • pagsusuka at pagkahilo
Ang mga simtomas gaya ng lagnat (low-grade), panginginig (chills), sobrang pagpapawis (sweating) at paninilaw ng balat at ng puti ng mata ay nangangailangan na ng agarang attensyon ng doctor o mediko. Pero dahil takot ako sa operasyon at nanghihinayang sa halagang gugugulin na aabutin ng 100K pesos para alisin lang ang isang organ sa loob ng sistema ko, naisip kong gawin ang pag-aalis ng mga bato sa natural na pamamaraan. Tinatawag itong bladder or liver flush. Ayon sa ginawa kong research, napupuno ng gallstones ang gallbladder kaya nag-uumpisang sumakit o makaramdam ng mga simtomas. Nawawalan ng puwang ang apdo kung kaya't nagbabago at nagiging abnormal ang ikot ng sistema ng ating katawan. Pero hangga't kumakain ang tao ng mamantikang pagkain, possibleng mabuo ang gallstones dito. Ayon din sa aking research, ang inooperahan at inaalisan ng gallbladder ay hindi na maaring kumain ng kahit na anong pagkaing may mantika o niluto sa mantika. Pero kung ang mga bato lang ang aalisin, magiging normal ulit ang takbo ng sistema sa pangangatawan.  Ito ang mga kailangan: 
  • isang tasang olive oil (EVOO o extra virgin olive oil) -maaring makabili nito sa mga supermarket. tandaan na kelangang extra virgin ang klase ng olive oil na gagamitin.
  • isang tasang pinigang calamansi o lemons (kelangang puro)
  • isang tasang pineapple juice (unsweetened and pure) (ang ibang klase ng juice ay hindi maaaring i-substitute)
  • konting honey (puro)
  • 1-2 litrong apple juice 
  • tatlong straw (para sa olive oil, calamansi at pineapple juice)
  • alarm clock
Paano gawin: 6 a.m. - almusal. maari lamang kumain ng lugaw o sabaw (soft diet) at uminom ng isang basong apple juice.  morning snack :  hindi maari ang kahit na anong matitigas o solid food pero maaaring uminom ng tubig at ng apple juice 12 noon - lunch.  Kumain lamang ng lugaw o sabaw at uminom ng tubig o isang basong apple juice. afternoon snack: - apple juice o tubig 5 - 5:30 p.m. supper. sabaw lamang at isang basong apple juice. Sa pagitan ng alas 6-7 ng gabi, kailangang wala ng kakainin o iinumin. Igayak na ang mga kailangan na nabanggit sa taas. Ilagay sa kanang bahagi ng kama. Pagdating ng alas-7 ng gabi, gawin ang mga sumusunod:
  • gamit ang straw, sumipsip ng kaunting olive oil at kaunting calamansi
  • humiga ng nakatagilid sa kanang bahagi lamang (on your right side only)
  •  i-alarm ang relo kada 15 minuto
  • ulitin ang pag-inom tuwing ika-15 minuto hanggang sa maubos ang olive oil at calamansi.
  • tandaan na hindi pwedeng inumin ng maramihan ang olive oil at calamansi. kinakailangang dahan dahan at sa kanang bahagi nakatagilid sa paghiga. hindi pwedeng bumangon.
  • ang pineapple juice at honey ay tulong lamang kung makakaramdam na parang napapa-suka dahil sa olive oil. pero ang pag-inom  ng pineapple juice at honey ay pakonti-konti din lamang gaya ng pag-inom ng olive oil at calamansi
  • siguraduhing maubos ang lahat ng olive oil at calamansi
  • at manatiling nakahiga sa kanang bahagi lamang
  • matulog
Makakaramdam ng pananakit ng tiyan anumang oras. Sa aking experience, meron akong isang net of fine mesh (pino ang butas) na inilagay ko sa ibabaw ng toilet seat. Yon ang ginamit kong pansala sa aking dumi para makuha ko ang aking gallstones. Pwede nyo ring gawin yon kung gusto nyo ng souvenir gems! Ang pagdumi ay hindi isang beses lamang, kaya ihanda ang sarili na manatili lamang sa loob ng tahanan. Pagkatapos ng pagdumi at paglabas ng lahat ng bato sa apdo ay makakaramdam ka ng bagong lakas. Parang isang battery na bagong recharge


Disclaimer:  Ang artikulong ito ay hindi isang preskripsyon. Isa lamang itong pagbabahagi ng isang karanasan na nakatulong sa nagsulat. Hindi ito naghihikayat na gawin ng makakabasa o paniwalaan ng ninuman, bagkus naghahatid ng isang magandang balitang naidulot ng olive oil sa kalusugan at pangangatawan.