Yakult para sa Food Poison
"Okay ka ba tyan?" Yan ang linya ni Gabe Mercado sa kanyang yakult commercial na tuwing dadaan si ate na may hilang cooler na may lamang yakult, hindi 'yakult' ang isisigaw ng mga bata pag gusto nilang bumili, kundi "okay ka ba tyan, ate?"
May kilala akong hindi umiinom ng yakult, kase hindi daw masarap. Kakaiba daw ang lasa. Kakaiba nga naman kung ikukumpara mo sa coke o sa pineapple juice. O kahit pa sa kakulay nitong yoghurt. Pero sa karamihan, yong kakaibang lasang yon ay masarap. Gaya sa tulad ko, at sa mga anak ko, na pwedeng makipag-yakult marathon.
Pero ulet, ang katotohanan, ang yakult lamang ang natatanging inumin na gawa sa lactobacillus shirota strain, na syang mainam sa tyan at sa maraming uri ng karamdaman. Ayon sa isang kaalaman, ang shirota strain ng lactobacillus ay ipinangalan sa naka-discover nito na si Minoru Shirota ng Japan, taong 1930. Pero ang ibabahagi ko talaga sa inyo ay ang mga kakaibang POWERS na meron ang yakult. At lahat ng ishi-share ko sa inyo ay base sa amin at sa aking mga karanasan. Madalas kaming may yakult sa bahay dahil favorite ng lahat. At dahil sobrang takaw ng mga anak ko sa yakult, binigyan ko sila ng warning na once a day lang ang pag-consume nito. Hindi ko alam kung totoo yon pero inisip ko na lang na siguro kung pwedeng marami ang inuming yakult sa isang araw siguro meron ng Yakult Litro o Yakult 1.5. :) Kaso wala e... kaya posible din naisip ko, dba?
Anyway, ishi-share ko na po. Isang araw, nakakita kami sa market ng daing na isda. Mejo na-curious kami kase hindi ito pangkaraniwang daing. Daing na tulingan o mackerel. Masarap para sa kin ang tulingan, although aware ako na dapat ang tulingan na kakainin ay laging fresh, kahit daing yong nakita ko, nagpumilit akong bumili. Inisip kong kakaiba ang daing adventure na yon! Pero kahit paborito ko ang tulingan, hindi ako masyadong kumain. Ang asawa ko, na nasabik sa daing ang kumain ng marami. At makalipas ang ilang minuto pagkatapos kumain, nag-umpisa na syang mamula (reddens) umpisa sa mukha, pababa sa leeg at sa buong parte ng katawan. Sandali syang nag-banyo dahil tumindi ang pananakit ng kanyang tyan. Ilang sandali pa, tinawag na nya ako dahil nahihirapan na syang makahinga. Pakiramdam nya ay nasasakal na sya at mamamatay na. OMG! Tiningnan ka ang bibig at dila at napansin kong namumula na rin. Ora-mismo, idineklara kong nalason sya ng daing na tulingan. Dali-dali akong kumuha ng yakult at pinainom sa kanya. Hindi ko sya pinahiga. pinaupo ko lang sya sa upuan pagkatapos nyang uminom at naghintay kami ng ilang sandali. Pero ang nasa isip ko talaga non, dahil gabi na, ihahanda ko ang bag at dadalhin sya sa hospital. Pero makalipas ang ilang minuto, nawala ang pamumula nya at lumuwag ang paghinga nya. Sabi nya sa naramdaman nya, isusumpa nya ang daing na tulingan. :D Maraming uri po ang food poisoning, maraming klase rin ng unang nararamdaman. Pero ang mahalaga, maging alisto para sa ating kapwa at kapamilya.
Ibang tulong ng yakult:
Mainam sa hang over. Uminom muna ng isang bote ng yakult bago uminom ng kahit na anomang alkohol, tapos muling uminom pagkatapos uminom ng alkohol. Epekto: wala o napaka-liit na chansa ng hang-over.
Mainam sa may problema sa pagdudumi. Uminom ng isang yakult sa isang araw, araw-araw. Makakatulong ito para maging maayos ang digestion mo.
Gastroenteritis. Uminom ng isang yakult araw araw. Makakatulong ito sa pagpapatibay ng resistensya ng tyan. Makakababa ng lagnat kung meron.
Pampatibay ng Immune system. Uminom lang ng isang yakult araw-araw.
Disclaimer: Ang mga ibinahagi po dito ay hindi kinuha o kinopya sa ano mang publication. Ang lahat ng ito po ay ibinahagi ayon sa sariling karanasan ng sumulat.
The Best Hotels in Downtown Denver - Mapyro
ReplyDeleteWe found hotels in Denver 포천 출장샵 that have the 통영 출장마사지 best rate, most convenient, 원주 출장마사지 best prices and amenities to stay at in Downtown Denver. We also found hotels 이천 출장마사지 with 목포 출장마사지 free parking near